Quantcast
Channel: The Internet – Pinoy Trending News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 82

Rappler tinangalan ng lisensya para mag operate ng Securities and Exchange Commission

$
0
0

Nagimbal ang social media ng balita tungkol sa desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na tanggalan ng lisensya upang magpatuloy sa operasyon ang news website na Rappler dahil diumano sa paglabag nito sa ‘constitutional restrictions on foreign ownership’.

“Revocation of Certificate of Incorporation on each respondent—Rappler Inc. being the mass media entity that sold control to foreigners, and Rappler Holdings Corporation being its alter ego, existing for no other purpose than to effect a deceptive scheme to circumvent the Constitution,” ayon sa desisyon.

Ayon sa 29-pahinang desisyon ng SEC na inilabas noong January 11, 2018 sa mga mamamahayag, iniutos ng ahensiya na tangalan ng ‘certificate of incorporation’ ang Rappler at tinawag ang pansin ng Department of Justice (DOJ) upang gumawa ng ‘appropriate action’ tungkol sa kasong ito.

Sa desisyon ay sinabi rin ng SEC na ang mga mass media ay dapat lamang limitado sa mga mamamayan ng Pilipinas at hindi dapat maging pag mamay ari ng banyagang kumpanya, o indibidwal.

Ang Foreign Equity Restriction of the Philippines ay sinasabi na: “The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens.”

Ayon sa SEC pinayagan ng Rappler ang Omidyar Network, isang banyagang kumpanya upang mamamuhunan ng pera sa kanilang news website.

Ang Omidyar ay pag mamay ari ng eBay founder at entrepreneur Pierre Omidyar at ng kanyang asawa.

Sinabi ng SEC na ang pamumuhunan ng Omidyar sa Rappler ay isang daang porsyentong paglabag sa Foreign Equity Restriction.

“The Foreign Equity Restriction is very clear. Anything less than One Hundred Percent (100 percent) Filipino control is a violation,” ayon sa desisyon.

Dokyumento na nagpapakita ng desisyon ng SEC upang tangalan ng lisensya ang Rappler Photo: CNN Philippines

Nag labas naman ng pahayag ang Rappler sa ginawang desisyon ng SEC sa kanila at sinabi nilang gagawin nila ang lahat upang mabago ito.

“We intend to not only contest this through all legal processes available to us, but also to fight for our freedom to do journalism and for your right to be heard through an independent platform like Rappler,” ani ng Rappler sa kanilang Facebook post.

“Every year since we incorporated in 2012, we have dutifully complied with all SEC regulations and submitted all requirements even at the risk of exposing our corporate data to irresponsible hands with an agenda,”  ani ng Rappler.

Nagdududa rin ang Rappler sa timing ng desisyon ng SEC at tinawag itong harassment ng Duterte administration sa kanilang news website.

“In a record investigation time of five months and after President Duterte himself blasted Rappler in his second SONA in July 2017, the SEC released this ruling against us,” ani ng kumpanya.

Dagdag pa nila: “This is pure and simple harassment the seeming coup de grace to the relentless and malicious attacks against us since 2016,”

Noong ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte, pinaringan nito ang Rappler at iba pang pahayagan na diumano’y tumatangap ng pera mula sa mga banyagang kumpanya at idipidwal.

“I can look at your corporate earnings, corporate identity even diyan sa mga newspaper. Pag newspaper ka, you are supposed to be 100 percent Filipino and if you start to pierce their identity, it is pala fully owned by Americans,” ani ni Duterte.

“It is just matter of piercing … ABS, Rappler kayo ba yan? Have you tried to pierce your identity?… Rappler try to pierce the identity and you will end up American ownership,” idinagdag pa nito.

Samantala, ang National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) naman ay binatikos ang SEC dahil sa desisyon nito upang tangalan ng lisensya ang Rappler.

Ayon sa grupo, naniniwala sila na kahit na mayroong banyagang kumpanya na nagbuhos ng pera sa Rappler ay nananatili itong 100% Filipino-owned.

“It was but one of many threats Duterte has made against media critical of him and his governance, such as the Philippine Daily Inquirer and broadcast network ABS-CBN, whose franchise renewal he threatened to block,” ani ng grupong NUJP.

Source: NUJP

“We are sure Rappler, as it has said, is capable of mounting a legal defense against what amounts to their closure,” idinagdag pa nito.

Ilang senador din ang nabahala sa desisyong ito ng SEC laban sa Rappler at tinawag itong ‘harassment’.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, matatawag na ‘marcosian’ ang ginawang aksyon ng SEC.

“The revocation of Rappler’s registration is pure harassment and a clear attack on press freedom. It is also Marcosian,” ani ni Hontiveros.

Habang si Senate Minority Leader Franklin Drilon naman ay sinabing “worrisome” o nakakabahala ang desisyon na ito.

Samantalang si Senador Grace Poe naman, chairperson of the Senate committee on public information ay sinabing dapat ay hindi gumawa ng paraan ang SEC upang mapatahimik lamang ang news website.

“Ano ba ang kanilang naging pagkukulang? Kung meron silang hindi nagawa na required sa lahat ng media outfits o kaya sa mga website na katulad nila, kailangan natin tingnan kung saan sila nagkamali. Basta lang, huwag ito ang paraan na mapatahimik ang sinumang grupo o organisasyon na maghayag,” ani ni Poe.

Ayon naman kay Presidential Communications of the Philippines Assistant Secretary Mocha Uson, ang desisyon ng SEC sa Rappler ay hindi paglabag sa ‘free speech’ at maaring silang ‘makapagpahayag ng malaya kung susunod sila sa patakaran at sa batas. At sa Saligang Batas.’

Si Uson ay kilalang kritiko ng Rappler at ilang beses nag palitan ng batikos ang kumpanya at ang assistant secretary tungkol sa ‘fake news’

Hindi pa nagbibigay ng kumento si President Duterte tungkol sa desisyong ito ng SEC.

 

 

The post Rappler tinangalan ng lisensya para mag operate ng Securities and Exchange Commission appeared first on Pinoy Trending News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 82

Latest Images

Trending Articles



Latest Images